Monday, March 23, 2009

restart

Grabe, ang gulo ng buhay ko ngayon.

Kahit na tapos na ang classes, dami pa ring ginagawa. Di na ko naubusan ng gagawin. Sana madali lang mag restart, tulad ng cellphone o kaya computer. Ang hirap pala talagang magbalance ng mga bagay-bagay sa buhay. Sa school pa lang, ubos na oras ko. Sa bahay, ang ginagawa ko na lang ay kumain, matulog, maligo tapos wala na. Di ko na nakakabonding ang family ko. how sad...:(

Kapag sunday naman, taong simbahan ako, at ganun din ang parents ko. Siguro kung pwede lang magrestart ang buhay ko, mas mabibigyan ko ng equal time ang mga bagay at taong pina-prioritize ko. Pero siguro ganito talaga ang buhay. Iniisip ko na lang na pagkatapos ng magulong part na ito, magiging maayos ulit ang lahat...at pagkatapos ng mga paghihirap ay ginhawa, na maganda ang kalalabasan ng lahat dahil pinaghirapan ko iyon. Sa totoo lang, di ko alam ang mga ittype. Di naman kasi ako isang "certified blogger" at di rin ako nahilig sa pagsulat sa isang diary.

hay, sa ngayon isa lang ang masasabi ko:

"Thank You Lord sa mga pagsubok, ramdam ko na mahal na mahal Mo ko.Ü"


---end---